So okay, here goes another sentimental crap that I
eventually came up from this teeny eeny inspiration that hit me. And
considering the schedule that I’m in (not that it’s really hectic), that’s
quite rare – the inspiration, I mean. So I guess this bullshit is pretty
special.
This is a lousy opening line but what the hell! – I’m going
to write an article about friendship. Woohoo. Take note, when I say friend, it may
mean either a good friend or a bad friend. I had lots of friends, but only a
handful is whom I consider the good. And the rest, well, it’s either they’re
bad or they really suck they’re fit enough to be dumped in a recycle bin.
So here it go, the types of friendshits.
OOPS, CHANGE TRANSITION IN FILIPINO.
Mahirap talaga ang maghanap ng isang tunay na kaibigan.
Marami kasi ng klase ng tao sa mundong ating tinitirihan. Base sa aking
karanasan, ito ang mga uri ng mga kaibigan na nakasalamuha ko simula noong
ako’y isang inosenteng bata pa lang (oo, hindi na kasi ako inosente ngayon) na
talaga namang hindi mo nanaiisin na makasama ng mahabang panahon.
FRIEND # 1: Si MUKHANG GRADES
Si MUKHANG GRADES ay maaaring isa sa dalawa: ang maaasahan at ang madamot. Si
maaasahan ay ‘yung tipong karir talaga sa pag-aaral pero nagpapakopya at
willing na turuan ka. Siyempre masarap magkaroon ng ganyang kaibigan. ‘Yung isa
naman, as the name implies, eh madamot. Gusto sarilinin ang pinaghirapan.
Siyempre sino ba naman ang gustong manakawan ng kaalaman ‘di ba? Pero
nakakainis ang mga ganitong kaibigan kasi pati ang petsa ayaw pang ipakopya sa
‘yo. Ganun siya kadamot. Period. You get
the drift? Good.
FRIEND # 2: Si THE INVENTOR
Ito ang kaibigang mahilig mag-imbento ng mga istorya para
lang ma-hook ka sa kanya. Other applicable terms would be pasikat, barbero, at
nang-uuto. Siya ‘yung tao na kapag nagkaroon ng ankle sprain sa school eh
asahan mong may naka-ready siyang bagong tsinelas na ipapalit para lang ipakita
sa buong klase. Siya rin ‘yung kinaaaliwan mo dahil sa kwento niyang kaya siya
nalate sa iskul ay dahil may naglagay ng bomba sa kanilang sasakyan kaya
kailangan pa niyang tumalon at mag-ala-super-action-star. Siya rin ang nagsabi
sa iyo na ang “Toyosi” (Toyo + sarsi) ay isang uri ng exotic na wine na gawa sa
iba’t ibang mga hayop tulad ng daga. In short, siya ay isang aspiring comedian,
action star at drama actress at the same time. Hayop ‘di ba? Ansarap sabihan ng
ULUL MU!
FRIEND # 3: Si ‘WAG MO SIYA BATI
Nakakatamad ieksplika ang ganitong uri ng tae, este tao.
Magbibigay na lamang ako ng scenario.
WAG MO SIYA BATI: Galit ako sa kanya! ‘Wag mo siya bati!
FRIEND # 4: Si Little Miss Donya
Nakakairita ang ganitong kaibigan. Siya ‘yung magiging worst
nightmare mo kung katulad mo ako na mataas ang pride. Siya ‘yung feeling niya
eh nakakataas siya sa lahat ng tao kaya dapat sila ang mag-a-adjust para sa
kanya. Kadalasan eh mataray pa at ang gusto niyang mangyari ang dapat masunod.
Usually, mga konti lang naman ang kaibigan talaga ng mga ganito.
FRIEND # 4: Si CHAMELEON
Mahirap magkaroon ng ganitong kasama. Bukod sa unpredictable
siya eh nakakairita ang mga mood swings niya. Parang sa isang chameleon na
paiba-iba ang kulay depende sa kanyang mood. Siya ‘yung tipong ‘pag na-badtrip
eh sa ‘yo ibubuhos ‘yung inis niya kahit wala ka namang ginagawa. O di kaya
hahanapan ka niya ng ginawa mo na mali para masabi lang na badtrip siya sa ‘yo.
Mahirap pakisamahan ang mga ganitong tao kasi hindi naman talaga kaaya-aya ang
ugali nila. Ang mas nakakainis pa eh ‘yung naiirita siya sa pinakamabababaw na
bagay. GET A LIFE kasi.
FRIEND # 5: Si ARTESTIC
Obviously, siya ay maarte, maarte at maarte. Siya ‘yung
taong hindi nawawalan ng vanity sa katawan kahit hindi naman kagandahan o
kagwapuhan. ‘Di naman sa agaw trip ako pero nakakairita lang talaga dahil kahit
naman tumagal siya sa loob ng CR eh ganun pa rin ang mukha niya pagkalabas.
Sana ay binuhos na lang niya sa ibang bagay ‘yung pagka-artestic niya ‘di ba?
Lalo na ‘pag lalake ‘yung ganito, ay nako ansarap ikiskis ang putang inang
mukha sa magaspang na pader.
FRIEND # 5: Si APATHETIC
Siya ‘yung kaibigan na walang pakialam sa iyo kahit maluha
ka sa tuwa o mamatay ka sa nerbyos. Wala siyang reaksyon sa mga sinasabi mo at
para sa kanya, isa ka lang kulangot sa mundong ito na hindi deserved mabuhay.
Wala siyang tinuturing na kaibigan dahil sarili lang niya ang mahal niya. Sana
ay maglaho na lang siya na parang bula kung sarili lang din n’ya ang iniisip
niya.
FRIEND # 6: Si INGGITERA
Prone to death ang mga taong ganito kasi maaaring silang
mamatay sa inggit! Sila ‘yung mga taong insekyora at walang magawa sa buhay
kaya sinisiraan ka sa iba n’yo pang mga kaibigan. Maaaring pasikreto rin ang
inggit sa ‘yo ng mga taong ito ngunit kahit ano mang maitim na lihim ay
unti-unti ring lumalabas tulad ng isang mabahong utot. Sila rin ‘yung mga taong
naiinis sa iyo kapag mas mataas ang nakuha mong marka sa kanila kahit na pala-absent
ka sa ekswela at papetiks-petiks lang. Kinasusuklaman ka rin nila kasi malapit
ka sa mga lalaki kahit hindi ka naman nag-fi-flirt. Ang mga taong ito ay
kailangang bumili ng charm at aura para mapansin. My message: I hope you die to
envy noh!
FRIEND # 7: Si FLOATING FRIEND
Ang ganitong kaibigan ay hindi permanent, hence the term
floating. Hindi mo siya maaasahan sa lahat ng oras dahil pa-iba-iba siya ng
sinasamahan. Iiwan ka niya ‘pag hindi ka niya trip at kailangan at saka
ipagsisiksikan ang sarili sa iba. Pero who cares, dahil hindi mo naman
kailangan ng imbecile at fugly person tulad niya.
FRIEND # 8: Si ASSKISSER
Isa na sa mga pinakaayokong kaibigan ang ganitong klase.
Super turnoff sa guys at super kairita sa girls. Ang mga asskissers ay ang mga
taong “go with the flow” at “social climbers” para lang mag-fit-in sa crowd at
matanggap ng mga inaakala niyang “cool guys”. Mga walang self-confidence at
backbone ang mga taong ito kaya hinahayaan nilang manipulahin sila ng ibang
tao. Mga wannabes, sosyaleras, trying hard at losers ang mga ganito. Ang mas
lower form pa ng mga ganito ay ‘yung mga dikit ng dikit sa mga popular daw pero
hindi naman kaya tumungga ng alak na walang chaser at humihithit –buga lang ng
Marlboro Menthol. Literally, they might even want to kiss someone’s ass just to
be socially accepted.
FRIEND # 9: Si MAGALING LANG PAG MAY KAILANGAN
Kairita ‘yung ganitong kaibigan no? Lalapit lang sa ‘yo ‘pag may kailangan. At
hindi pa marunong mag-appreciate ng tulong mo. Tulad na lamang kapag maaga ang
break nyo before the next class tapos wala kang kasama eh gusto ka na lamang
iwanan sa ere dahil uuwi siya ng bahay nila. Mga ganitong tao eh hindi talaga
nagkakaroon ng tunay at permanenteng kaibigan.
FRIEND # 10: Si DETAIL FREAK
May career na maging inspector o detective ang ganitong tao
o di kaya eh maging bomb-sniffing dog. Bukod sa mahilig pumuna ng mga
bagay-bagay sa iyo ang letseng ito eh mahilig pa mang-usisa. In a bad way of
course. Siya ‘yung magsasabi sa iyo na “ang dry dry naman ng skin mo!” o mga
iba pang insults na halatang sinasadya niya talaga para mapahiya ka. Pero in
fact, mukha naman talaga siyang aso kaya sana ay i-recruit na siya ng K9 team.
Marami pang ibang uri ng mga kaibigan na nakakairita.
Maaaring kombinasyon sila ng mga klase na inilarawan ko. Posible may kaibigan
na LITTLE MISS DONYA AT APATHETIC at the same time. Meron ding ARTESTIC at
DETAIL FREAK. Nandyan rin ang MUKHANG GRADES na INGGITERA rin. Chances are,
hindi talaga iisang uri lang ang tao. Ang masaklap diyan eh ‘yung tatlong
kombinasyon ng mga binanggit ko. Aba, kung magkaganoon eh sana they fall in
damnation for the rest of their lives ‘di ba!
Recent Comments